2012 budget haharangin ng solons dahil sa IRA

NAGBANTA ang mga miyembro ng House committee on ways and means na haharangin ang 2012 General Appropriations Act kapag hindi nadagdagan ng P60 bilyon ang Internal Revenue Allotment (IRA) ng mga local government unit (LGU).

Sa pangunguna ni Batangas Rep. Hermilando Mandanas, chairman ng nasabing komite, binigyang-diin nito na hindi makabubuti sa “matuwid na daan” ni Pangulong Benigno Aquino III ang labagin ang desisyon ng Korte Suprema na dapat dagdagan ng P60 bilyon ang IRA.

“Pag hindi nila inaprub iyan, it’s corruption,” ani Mandanas.

Nanawagan din ang mambabatas sa liderato ng Kamara de Representantes na manindigan at igiit ang isyung ito sa panukalang 2012 budget at huwag pumayag na maging “rubber stamp” ng Malakanyang.

Magkagayunman, naniniwala ang kongresista na susundin ni Pangulong Aquino ang desisyon ng Supreme Court.

Nagpasubali rin si Mandanas na posibleng maharap sa kasong “technical malversation” si Pangulong Aquino kung hindi maipatutupad ang dagdag na IRA.

“Effectively ganoon ang mangyayari but I don’t want to put a term into it.  Ang gagamitin ko ay wang-wang iyan. If you want to call it technical malversation,” paliwanag ni Mandanas.

Nilinaw pa ni Mandanas na umaabot sa P500 bilyong na IRA ang hindi naibigay sa mga LGU mula noong 1992 hanggang 2011.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply