21 biktima ng human trafficking na-rescue

NAILIGTAS ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Navy, Philippine Marines at Philippine National Police ang 21 katao na biktima ng human trafficking matapos silang masabat bago pa man maihatid sa Malaysia sa ulat ng military ngayong araw ng Linggo.

Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, 18 kababaihan at tatlong lalaki ang nailigtas sa human trafficking syndicate sa Bongao, Tawi-Tawi, nitong nakalipas na linggo.

Matapos ang sinagawang rescue operation ay agad na isinakay ang mga biktima sa isang commercial ferry para dalhin sa Zamboanga City.

Nabatid na nagmula sa iba’t ibang laalwigan sa Visaya at  Mindnao ang mga biktima.

Nabatid kay Socorro Rojas ng  Department of Social Welfare and Development na ang mga biktima ay nakatakda sanang dalhin sa Sandakan, Malaysia.

Pansamantalang inilagay sa pangangalaga ng Visayan Forum ang mga biktima kaugnay sa isasagawang  assessment naman ng DSWD.

Inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng pangangalap ng mga Filipino na dadalhin sa Malaysia.

Lantad na karamihan sa mga kababaihan na nagiging biktima ng human trafficking ay nasasadlak sa prostitusyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply