23 colleges suspendido ngayong Lunes

SUSPENDIDO ang klase sa 23 paaralan sa kolehiyo sa Quezon City ngayong Lunes, Hulyo 25 upang magbigay daan sa gaganaping pangalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III .

Ayon sa report ng dzBB, suspendido ang klase sa ABE International Business College, ACCESS Computer College Lagro, AMA Computer College Fairview, Asia School of Arts and Sciences, Asian Institute of Computer Studies, Ateneo de Manila University, Best Link Institute of Information Techology, Colegio de Sta. Teresita de Avila, Datamex College, Diliman Computer Technical Institute, FEU FERN College and Dr Nicanor Reyes Medical Foundation, Institute of Community and Family Health, Mary the Queen College, Metro Manila College, Miriam College, National College of Business and Arts, New Era University, Our Lady of Fatima University, St. Anthony (School), St. Bernadette (School), St. Dominic Institute, STI Fairview, University of the Philippines Diliman.

Matatandaang ibinigay na ng Commission on Higher Education ang pagdedesisyon sa mga paaralan sa kolehiyo sa pagsuspinde sa kanilang klase sa naturang lungsod ngayong Lunes.

Samantala, una nang inanunsiyo ng Department of Education ang pagsuspinde sa klase mula elementarya hanggang sekondarya sa Quezon City.


About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply