23 Pinoy crew nailigtas ng US Navy sa pirata

NAISALBA ng US Navy ang 23 tripulanteng Pinoy sa isang oil tanker na sinalakay ng mga pirata sa karagatang sakop ng bansang Yemen, ayon sa balitang ipinaabot ng pamahalaan ng Estados Unidos sa mga awtoridad ng Pilipinas.

Ayon sa ulat na ibinahagi sa Philippine Navy at Department of Foreign Affairs (DFA), binanatan ng mga pirata sa pamamagitan ng rocket-propelled grenade ang oil tanker na “Brillante Virtuoso” sa bahagi ng Port of Aden sa Yemen kaya’t nagsimula itong mag-apoy, partikular sa accommodation area.

Sa takot na bigla itong sumabog o tuluyang maglagablab ay nagbigay ng utos ang kapitan ng barko sa mga crew na lisanin na ang nasabing barko, na may kargang 141, 000 tons ng fuel oil.

Patungo sana sa China ang oil tanker nang maganap ang pag-atake.

Nabatid na inihayag naman ng ship manager na Central Mare Inc., mabilis na naapula ang apoy sa tulong ng rumespondeng U.S. navy vessel at dalawang tug boats.

“It is understood from the salvage team on the scene that the fire onboard is now under control. Managers are happy to confirm that all crew are safe and they are about to be repatriated,” ayon sa kalatas.

Dagdag pa nito: “The remaining 23 Filipino crew members are now safely on board a U.S. Naval forces vessel, which is heading to Aden where they will be safely repatriated.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply