23nd regular session ng 15th Congress pormal nang binuksan

PORMAL nang binuksan ang second regular session ng 15th Congress ngayong umaga, Lunes, Hulyo 25.

Binuksan ni Senate President Juan Ponce Enrile ang sesyon hudyat ang kanyang pagpukpok ng gavel bandang 10:00 a.m.

Kabilang din sa mga present sa unang araw ng sesyon ay sina Senate Pro Tempore Jose Jinggoy Estrada, Sen. Panfilo Lacson, Gregorio Honasan, Loren Legarda, Antonio Trillanes IV, Vicente Sotto III, Manny Villar , Edgrado Angara, Juan Miguel Zubiri, Teofisto Gungona III, Sergio Osmena III, Franklin Drilon, Francis Escudero, Joker Arroyo, Ferdinand Marcos, Ramon Revilla, Ralph Recto at Lito Lapid.

Dumalo rin sa sesyon ang ilang miyembro ng diplomatic corps at sina Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes at mga dating senador na sina Santanina Rasul at Heherson Alvarez.

Habang sa Kamara naman, pinangunahan ni House Speaker Feliciano Belmonte ang unang regular session kung saan 285 House members, 261 na mga mambabatas lamang ang present sa roll call.

Kabilang sa mga dumalo ay si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply