24-anyos na ginang hinalay ng biyenan

ISANG batam-batang misis ang dumulog sa himpilan ng PNP Women’s and Children Protection Desk upang ipagharap ng reklamo ang ama ng kanyang asawa na umano’y humalay sa kanya kagabi, sa lalawigan ng Camarines Sur, ayon sa ulat ng pulisya ngayon, Lunes.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang sinasabing panghahalay kay Amor Roma, hindi tunay na pangalan, bandang 10:00 ng gabi sa loob ng kanilang tahanan sa Sitio Porong, Barangay Tabog, Sta. Lucia Magarao, ng nabangit na lalawigan.

Kinilala ang inerereklamo na si Edgardo Oxales y Buban, 49.

Sa salayasay umano ni Amor sa mga imbestigador natutulog siya kasama ang limang anak nang maramdamang may tumabi sa kanyang pagtulog at inakala niyang ang asawa niya ito.

Unti unti umanong hinubad ng lalaki ang kanyang damit at shorts, subalit nang hawakan siya sa kamay ay doon niya naramdam na hindi ito ang kanyang mister.

Mabilis umanong tinanglawan ng biktima ang lalaki na mabilis na tumalilis subalit nakumpirma niya na ito pala ang ama ng kanyang mister.

Ang suspek ay pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad dahil sa kasong panghahalay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply