28 tauhan ng PNP kakaliskisan sa helicopter deal

KAKALISKISAN ang 28 empleyado ng Philippine National Police kaugnay sa maanolamyang pagbili sa tatlong helicopter na nagkakahalaga ng P104.9 milyon, dalawa rito ay may limang taon na habang ang isa naman ay dati nang pag-aari ng PNP.

Sinabi ni Director Arturo Cacdac Jr., hepe ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) na siyang nag-iimbestiga sa maanomalyang pagbili, ang sangkot ay kinabibilabgan ng pitong miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC)/Negotiation Committee, limang miyembro ng Inspection and Acceptance Committee, at ang 16 naman ay mula sa Technical Inspection Team.

Itinangging pangalanan ni Cacdac ang mga sangkot at sinabi na ang imbestigasyon at ang pagsasampa ng kaso ay ikakasa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

“There is going to be an in-depth investigation conducted by CIDG, so that they can gather additional evidence to come up with the filing of charges. The CIDG will determine who will be liable,” pahayag ni Cacdac sa isang briefing Martes ng umaga sa Camp Crame, Quezon City.

Hindi naman nakasagot si Cacdac nang tanungin ng mga mamamahayag kung mananagot sa nasabing anomalya si dating PNP chief Jesus Verzosa.

Sinabi pa ng DIDM chief, ang CIDG at Internal Affairs Office ay magsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon sa mga nakalap na testimonial evidence, pagkuha ng mga affidavit ng ilang indibiduwal para masuportahan ang mga dokumentong nasa kamay na nila.

Ibinunyag din nito na naitala sa kanilang RP4250 flight light log ang mga pangalan ng mga pasahero, tulad ni Rep. Mikey Arroyo at ang kanyang mga aides sa paglipad ng RP4250 noong Oktubre 5, 2007.

Ang biyahe ay mula sa Lubao sa Pampanga hanggang sa A3 extension.

Sinabi rin ng DIDM na natuklasan ng fact-finding team na ang dalawa sa tatlong light operational police helicopters ay hindi brand new nang tanggapin noong Nobyembre 11, 2009.

“It was also found that there was a failure to determine the eligibility of the supplier,” pahayag pa ni Cacdac, pointing out that during the entire procurement process there was no observer from any duly recognized private group.

Idinagdag din ni Cacdac na si Larry de Vera, president at managing head ng Manila Aerospace Products Trading (MAPTRA), ay iimbestigahan din ng CIDG dahil naman sa fraudulent act at violation of supply contract o estafa.

Sa panahon ng pagtanggap nito, ang BAC ng PNP ay pinamumuan ni Deputy Director General Jefferson Soriano, na nagretiro noong Hulyo 2010.

Nilinaw naman ni Soriano na bagamat siya ang hepe ng BAC, ang procurement ng tatlong helicopter ay “negotiated” matapos pumalya ang tatlong bidding at ito ay pinamunuan ng iba’t ibang opisyal.

“Under Republic Act 9184, after two failed biddings the procurement will be done through negotiated process. I was not the head of the negotiated deal,” pahayag ni Soriano.

Sinabi ni Cacdac na bibigyan ng DIDM ng kopya ng kanilang report sina senador Panfilo Lacson, Teofisto Guingona III at Gregorio Honasan, na maaring makatulong sa Senate probe.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply