28 human trafficking victims sa Malaysia nagpapasaklolo

TINATAYANG 28 undocumented Filipino workers sa Sabah, Malaysia, na biktima ng human trafficking ang naghihintay ngayon na mailigtas ng pulisya.

Nabatid sa ulat ng Zamboanga Times na isa sa magulang ng mga naturang workers ay nagkumpirma na ang kanyang anak ay kasama sa naturang bansa na minaltrato sa kanyang pinagtatrabahuhan.

Dahil dito, nanawagan ang naturang magulang kay Philippine Center on Transnational Crimes (PCTC) national executive director Felizardo M. Serapio Jr. na asistehan ang kanyang anak kasama na ang 27 pang kasamahan nito na karamihan umano ay taga Zamboanga rin na nakaalis ng bansa noon pang Enero 4.

Kaugnay nito, inatasan na ni Serapio si PCTC Region 9 field officer Supt. Celso Bael na makipag-ugnayan sa iba’t ibang international police at ahensya ng gobyerno upang mailigtas ang 28 biktima ng human trafficking.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply