29 patay, 3 nawawala pa sa baha sa Davao City

UMAKYAT na sa 29 ang nasawi habang tatlo pag ang nawawala sa biglaang pagbaha sa lungsod ng Davao.

Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte, lubhang mataas ang mga casualty dahil sa biglaan ang pagtaas ng tubig sa mga ilog at creek at kasalukuyang natutulog ang karamihan sa mga biktima.

Ang iba umano ay nagsitakbuhan na lamang subalit natangay sila ng malakas na agos ng tubig dahil sa madilim ang kanilang napuntahan.

Nabatid din na karamihan ng mga inilikas ay nakauwi na sa kani-kanilang mga tahanan ngunit ang iba naman ay ayaw ng bumalik sa pangambang maulit ang trahedya.

Patuloy ng pinag-aaralan ng lokal na pamahalaan ng Davao kung kinakailangan nang i-relocate ang mga nasalanta sa isang safe na lugar para hindi na maulit ang nangyari.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply