2,906 naitalang lumabag sa anti-smoking campaign

UMABOT na sa 2,906 ang kabuuang bilang ng mga nadadakip ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na lumabag sa kanilang anti-smoking campaign sa loob lamang ng tatlong linggo kaugnay sa implementasyon ng Tobacco Regulation Act of 2003.

Karamihan sa mga nahuhuli ay pawang mga kalalakihan na umabot sa 2,695 habang 211 naman ang mga babae. Kaugnay nito, ang local government unit (LGU) sa Metro Manila ay nakapaglabas ng 1,439 anti-smoking warnings at 88 dito ay pinagmulta kaugnay sa paglabag sa anti-smoking ordinances.

Pinasalamatan ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang Department of Health (DOH) sa pamumuno ni Secretary Enrique Ona dahil sa masidhing pagsusulong ng anti-smoking campaign at pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa masamang dulot ng paninigarilyo sa kalusugan.

“From day one of this campaign the Department of Health was behind us, lending their perspective and wisdom of experience as co-chair of the Inter-Agency Committee under the Tobacco Regulation Act,” pahayag ni Tolentino.

Matatandaan, noong May 31, binigyan ng Red Orchid Award bilang parangal ng DOH ang MMDA dahil sa kanilang walang humpay na kampanya para sa 100 % Tobacco-Free Environment sa kanilang tanggapan.

Ang kampanya ay umani ng suporta sa Philippine Medical Association, Health Justice, University of the Philippines College of Law Development Foundation, DOH pati na sa 17 local government unit sa Metro Manila.

Ipinaliwanag ni Tolentino, sa ilalim ng Tobacco Regulation Act, bawal manigarilyo sa mga pampublikong sasakyan, terminal ng dyip at bus, sakayan at babaan, tawiran, overpass, underpass, elevator, recreational facility, lugar na pinaghahandaan ng pagkain, paaralan at pagamutan.

Bawal ding magyosi sa loob ng 100 metro mula sa mga lugar na ito, maging sa bangketa.

Pagmumultahin ng P500 ang mga lalabag sa unang pagkakataon at oobligahing maglingkod sa pamayanan nang walong oras ang mga hindi makapagbabayad ng multa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply