2nd leg ng AKOC dito sa Pilipinas

CARMONA, CAVITE–Isang karangalan para sa Pilipinas ang pagkakapili nito bilang host ng ikalawang leg ng 2011 Asian Karting Open Championship (AKOC) na kasalukuyang ginaganap sa Carmona Racetrack sa Cavite, na nagsimula noong Hulyo 28 hanggang Hulyo 31.

May 60 karters mula sa 10 bansa ang kasapi rito, kasama na ang pambato ng Pilipinas na sina Stefano Marcelo mula sa koponan ng San Miguel Corporation-Maranello-Marcelo Racing, VJ Suba ng FERN-C Racing, at sina Franco Reyes at Jette Calderon ng Jet Racing. Si Sean Gelael, ang pambato ng Indonesia at ng Sean GP Race Team, ang kasalukuyang Defending Champion ng 2010 AKOC.

Ang AKOC ay suportado ng malalaking kompanya—Petron (the official fuel), San Miguel Corporation, Yokohama Tires (the official tires), Denso Iridium Power (the official spark plugs), Vivere Hotel at Motorstar Eastway. Ang media partners nito ay ang Stoplight TV at Inside Motoring.

Ang AKOC ay awtorisado ng Commission International de Karting (CIK) at ng Automobile Association Philippines (AAP).

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa Carmona Racetrack numbers 845-0745, 889-3389, 845-3287 at 845-4142, at hanapin si Rose Feria; o di kaya’y mag log-on lang sa kanilang website www.asiankarting.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply