2nd win nakuha ng Stags, Knights

NAGKAPANTAY-PANTAY na ang San Sebastian College-Recoletos, San Juan de Letran at ang naunang Lyceum of the Philippines University sa tangang 2-0 win-loss-slate sa 87th NCAA Men’s Basketball sa dalawang larong ginanap sa The Arena, San Juan City Biyernes ng hapon.

Pinayukod ng Stags ang Blazers 86-78 habang pinatilapon ng Knights ang host Altas sa kanilang pangatlong pagkatalo sa tinalang iskor na 74-43.

Ang nagbabalik sa larong si power-forward Calvin Abueva ay nagpuntos ng 15 kasunod ni top-scorer Ian Sangalang na kumana ng 16 puntos.

Ito ay kasunod ng 15 points ni Sangalang sa unang laro nila laban sa Jose Rizal Heavy Bombers, 73-67 noong Hulyo 2.

Ipinalasap ng Knights ang ikatlong pagkatambak sa Altas sa iskor na 74-43 kasunod ng unang 52-82 at ang pangalawang 87-93 na pagkakadapa laban sa top-team na San Beda at Lyceum Pirates ayon sa pagkakasunod.

Magbabalik ang laro sa Lunes sa FilOil Flying V Arena sa pagitan ng Stags vs Altas na susundan ng San Beda Red Lions kontra LPU Pirates.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply