3-anyos nabaril ang sarili, todas

UTAS ang 3-anyos na lalaki matapos aksidenteng mabaril ang sarili sa pinaglalaruang 38 kalibre na baril sa Cebu.

Si Vincent Tirado na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib ay agad namatay sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Canamokan, Compostela nasabing lalawigan.

Nabatid na wala sa bahay ang mga magulang ng biktima nang paglaruan nito ang nasabing baril kasama ang 10-anyos na nakakatandang kapatid.

Nakatakdang  imbestigahan ang mga magulang ng biktima dahil sa pagiging pabaya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply