3 bangkay isinilid sa garbage bag

TATLONG bangkay ng lalaki na nakasilid sa itim na garbage bag ang natagpuan sa San Jose del Monte, Bulacan, Miyerkules ng madaling araw.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong 5:20 ng madaling-araw nang matagpuan ang mga bangkay sa Barangay Gaya-Gaya, boundary ng Caloocan at Bulacan.

Una nang umalingasaw ang masangsang na amoy sa lugar at nang busisiin ay nakita ang tatlong bangkay ng lalaki na nakasilid sa plastic bag.

Agad namang itinawag sa Scene of the Crime Operatives ang pagkakatagpo sa mga bangkay ng mga lalaki na hindi pa makilala dahil nasa estado na ng advance decomposition.

Inamin ng mga residente sa lugar na wala silang napansin na nagtapon ng mga bangkay dahil sa taas ng mga talahib sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply