3 katao minasaker sa Laguna

TATLO katao ang minasaker kabilang ang dalawang menor de edad sa loob ng kanilang bahay sa Laguna, umaga ng Lunes, Hulyo 11.

Ayon kay Laguna police chief Senior Superintendent Gilbert Cruz, natagpuan ang biktima sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Segunda Pulo, Lumban, Laguna.

“Tingin namin robbery ito at nangyari sa loob ng bahay sa General Luna Street (kaninang) madaling araw,” pahayag pa ni Cruz sa isang panayam sa dzBB.

Hindi naman pinangalanan sa ngayon ang mga biktima na inilarawang ang isa sa kanila ay may edad na at ang dalawa naman ay nasa edad 9 at 13.

Kasalukuyan namang inaalam ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ang motibo sa pagpatay.

“May posibilidad ganoon, nilooban sila. May hinahanap kaming tao ngayon,” dagdag pa ni Cruz.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply