3 kelot tepok sa parak sa Batangas

TATLONG hindi pa nakikilalang kalalakihan ang nasawi makaraang makipagbarilan sa mga pulis ng Lemery, Batangas, madaling-araw ng Hulyo 23.

Nabatid na lulan ang tatlo ng isang motorsiklo at napadaan sa isang check point sa Barangay Mahayhay bandang 5:30 ng madaling-araw. Imbes na huminto ay pinaharurot pa nito ang kanilang sinasakyan.

Pinaputukan pa umano ng mga ito ang mga nagbabantay na mga pulis sa checkpoint at napilitan itong gumanti ng putok ayon kay Batangas Police Chief Senior Superintendent Rosauro Acio.

Nakuha sa mga nasawi ang isang kalibre .38.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply