3 miyembro ng pamilya patay sa masaker sa Negros

PATAY ang isang mag-asawa, isang anak habang malubhang nasugatan ang bunso nang imasaker sa Sagay, Negros Occidental, kaninang umaga, iniulat ng pulisya.

Kinilala ang mga biktima na sina Ranulfo Javellana, 71, retired engineer, misis na si Elsa Javellana, 67; at kanilang anak na si Gina Javellana-Zarragosa, 48, pawang ng Poblacion 1, Sagay City.

Sugatan naman ang bunsong anak ng mag-asawa na si Joseph Javellana, kasalukuyang ginagamot sa pagamutan.

Sa imbestigasyon, naganap ang krimen alas-11:30 ng umaga kanina.

Ayon sa kasambahay ng mga biktima na si Edgar Yano, biglang pumasok sa bahay ng mga biktima ang suspek na si Romeo Corbo bitbit ang kalibre 45.

Nang makita ang mag-anak ay pinagbabaril ang mga ito at nang siya na umano ay saktong naubusan ng bala ang salarin na agad tumakas.

Nabatid na nag-ugat ang galit ng suspek sa ipinasarang karaoke bar nito ng city government na hinalang dahil sa reklamo ng mag-asawang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply