3 na-suffocate sa septic tank, tigok

TODAS ang tatlo katao habang dalawa pa ang nilalapatan ng lunas sa pagamutan makaraang ma-suffocate dahil sa spetic tank sa construction site sa bayan ng Malvar sa Batangas, Miyerkules ng umaga.

Idineklarang dead on arrival sa Metro Lipa Hospital sina Romulo Alvarez, Nardito Igloso at Ronald Alimbo habang patuloy na ginagamot sina Tarcisio Ondoy at Glenard Igloso.

Ang lima ay pawang construction worker ng EXP Technohub Mabz Builder sa Lima Technology Center sa Barangay Santiago sa naturang bayan.

Na-suffocate ang lima habang isinasaayos ang septic tank ng kumpanya.

Patuloy pa ang imbestigasyon hinggil sa naturang aksidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply