3 NPA patay, 3 militar sugatan sa sagupaan

TODAS ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) habang apat ang sugatan sa militar sa nangyaring sagupaan sa Brgy. Manobo Magpet, North Cotabato.

Tumagal ng mahigit isang oras ang palitan ng putok sa panig ng militar at mga rebelde dahilan upang magsilikas ang mga residente sa nabanggit na lugar.

Dahil dito, patuloy ang pagtugis ng militar at pulisya sa grupo ni Cornelio Bangkas, alyas Kumander Ponyong ng Front Committee 53 ng NPA na nakasagupa ng mga tauhan ng Bravo Company ng 57th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Cotabato.

Umatras ang grupo ni Ponyong nang dumating ang reinforcement ng 6th Division Recon Company.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Pfc Arnold Tombado, Pfc Samad Tasil, PVT Leovinson Capacio at PVT Rufino Eludo, pawang nakatalaga sa 57th IB.

Sinasabing nakubkob ng mga sundalo ang kuta ng mga rebelde sa naturang bayan na nag-ugat ng bakbakan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply