3 paslit nalason sa ipinamigay na NFA rice sa GenSan

ISINUGOD sa hospital ang walong buwang sanggol at dalawa pang paslit makaraang umano’y malason sa kinaing nangangamoy na bigas na ipinamahagi sa evacuation center sa Labangal gym sa Brgy. Labangal, General Santos City.

Ayon sa ulat, nagsuka at namilipit sa sakit ng tiyan ang mga biktima matapos kainin ang kanilang hapunan na hinihinalang sanhi ito ng bigas na pinamigay sa evacuation center para sa mga naapektuhan ng pagbaha.

Ayon sa mga biktima, NFA rice umano ang pinamudmod ng lokal na pamahalaan at sinaing para sa kanilang hapunan kung saan maging ang mga matatanda ay nagreklamo sa mabahong amoy nito.

Dahil dito, agad na ipinasuri ni Labangal Brgy. Capt. Lorelie Pacquiao, hipag ni Rep. Manny Pacquiao ang naturang reklamo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply