3 patay, 5 sugatan nang araruhin ng military truck

TATLONG sibilyan ang namatay habang lima pa ang malubhang nasugatan nang araruhin ng military truck na nasa relief mission ang ilang kabahayan sa bayan ng Parang, lalawigan ng Maguindanao Linggo ng umaga, iniulat ng militar ngayon.

Ayon kay Army Lt. Col. Noli dela Cruz, Civil Military Operation chief ng Army 6th Infantry Division, naganap ang sakuna bandang 9:30 ng umaga sa may Barangay Bacolod.

Kinilala ang mga nasawi na sina: Idang Ito, 45 ; Harija Ito, 18; at Amad Ito, 16.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Cotabato City Hospital ang mga sugatan na sina Bailyn Mamander, Adrian Mamander, Johair Mamander, Nody Mamander at Sukamo Makabago, pawang mga residente ng nasabing barangay.

Nabatid na nawalan ng preno ang sasakyan ng Army 65 Infantry Battalion na may lulang relief goods mula sa Marawi City at patungo sana ng Sultan Kudarat at Cotabato para maghatid ng relief goods para sa mga biktima ng flashflood sa mga nabanggit na lugar.

Nasagasaan nito ang ilang kabahayan at isang Toyota Town Ace.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply