3 patay sa loob ng poso negro sa Batangas

TATLONG construction woker ang namatay habang nagkukumpuni ng poso negro sa Batangas, kaninang umaga.

Dead on arrival sa Metro Lipa Hospital sanhi ng asphyxia o kawalan ng hangin sa baga ang mga biktimang sina Romulo Alvarex, Nardito Igloso at Ronald Alimbo.

Inooberbahan din sa nabanggit na ospital sanhi rin ng parehong kapansanan ang kapatid ni Ronaldo na si Leonardo at isang Ronald Alimbo.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 8:30 ng umaga kanina sa Lipa Technical Center sa Barangay Santiago.

Bago ito, bumaba sa naturang poso negro ang mga biktima para kumpunihin pero matapos ang ilang minuto ay nagkukumahog na umakyat sa lupa sina Leonardo at Alimbo dahil biglang nanikip ang kanilang dibdib.

Ini-report din ng dalawa sa awtoridad na naiwan nila sa loob ng poso negro sina Romulo,  Nardito at Alimbo dahil anila nawalan ng malay dahil sa kakapusan ng hangin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply