3 Pinay na hinarang sa NAIA sisiyasatin

MASUSING iimbestigahan ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Filipina na hinarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal-3 sa Pasay City.

Pansamantalang itinago ang pangalan ng tatlong Pinay na natuklasang peke ang mga Overseas Employment Certificate (OEC).

Nakatakda sanang pumuslit ang mga suspek patungong Korea nang maharang ng Immigration Authority sa NAIA.

Ayon kay BI-airport operation chief Lina Pelia, hinarang ang tatlong Pinay kahapon, Miyerkules sa departure area ng NAIA Terminal 3b.

Nakatakda sanang sumakay ang mga ito sa flight ng Cebu Pacific na patungong Incheon, South Korea.

Nadiskubre ng immigration travel control and economic unit na ang serye ng numerong iprinisinta ng OEC na tinatawag na e-receipt ng mga pasahero ay nasa watchlist at iniulat na nawawala.

Nabatid pa mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) counter sa NAIA na peke ang e-receipt at peke rin ang POEA stamps ng tatlong Pinay, gayundin ang pirma ng opisyal ng ahensya.

Sa kasalukuyan ay isinasailalim pa sa inter-agency committee on anti-human trafficking ang tatlong Pinay.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply