3 planeta magniningning sa kalawakan sa Hulyo 12

NANG makompleto ang kauna-unahang pag-ikot sa Araw simula nang madiskubre may 165 taon na ang nakararaan, masisilayan ng

strargazers ang Neptuno at dalawa pang planeta na tulad ng Jupiter at Venus sa kalawakan ng Pilipinas sa Martes, Hulyo 12.

Anang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na kailangang gumamit ang stargazers ng binoculars o telescope para masilayan ang Neptune ala-1 ng madaling-araw sa Hulyo 12.

Ang tanawin ay kabilang sa naghihintay na libreng panonood ng Filipino stargazers para sa buwang kasalukuyan, kung pahihintulutan ng panahon.

Ang Neptune ay nadiskubre ni German astronomer Johann Galle, noong Setyembre 23, 1846.

Kasabay nito,  dakong 2 a.m. ang Jupiter naman na madaling mahanap sa eastern horizon ay magniningning ng magnitude -2.3 at ito ay matatagpuan na kahilera sa bituin ng constellation Aries, ang Ram.

Samantala, makikita naman ang Venus sa ibaba ng east northeastern horizon bago tumaas ang araw bandang una linggo ng Hulyo. Mawawala naman ito sa kalawakan sa ikalawang linggo ng buwang kasalukuyan hanggang huling banda ng Setyembre.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply