3-teams nagpantay sa ibabaw ng standings sa NCAA season

NGINATNGAT ng San Beda Red Lions ang Arellano University Chiefs para makapantay ang San Sebastian College Recoletos Stags at ang San Juan de Letran Knights sa ibabaw ng 10-team standings sa ginaganap na NCAA Men’s Basketball Tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Ang panalo ng Lions laban sa Chiefs, 92-67, ay pangatlong pagtatala ng 20-puntos o mahigit pa na kalamangan ng Mendiola-based collegiate team na panalo na ang una ay 82-52 vs comference host Perpetual Help Altas at 89-69 laban sa Lyceum Pirates.

Nag-total si Garvo Lanete ng 17, 15 puntos si Enjo Carame at ang dalawang Pascual na sina Kyle, 13 at Jake, 11.

Nakabalik naman sa win column ang Lyceum Pirates matapos palagapakin ang Mapua Cardinals sa iskor na 76-73.

Maglalaro bukas, Miyerkules ng makapananghali sa The Arena ang Lyceum of the Philippines University Pirates at ang Arellano University Chiefs habang maghihiwalay ng landas ang San Sebastian College Stags at ang San Juan de Letran Knights na kapwa tangan ang 3-0 win-loss record sa banggaan nila alas-kwatro ng hapon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply