3 ‘tirador’ ng Bumbay natiklo sa Antipolo City

RIZAL– Nagwakas ang serye ng holdapan na pawang mga Indian National (Bumbay) na nagpapa-5/6 ang binibiktima matapos na madakip ang tatlong lalaki na miyembro ng Moncada Robbery  Hold-up  Gang sa Antipolo City.

Kinilala ni Antipolo City chief of Police Supt. Rodino Elfa, ang mga nasakote na sina Lyn Escandor, 27; Jeffrey Danque, 20;  at ang umano’y lider nila na si Marlon  Moncada, 29.

Nakatakas naman ang kapatid ng lider matapos na malansi ang mga pulis at barangay tanod na nagbabantay dito at nawala sa kasukalan.

Ang mga suspek ay positibong kinilala ng biktimang si Mojon Singh, 42, negosyante, residente ng 24 Pines City Extencion Village, Barangay San Roque, Antipolo, ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong 7:30  ng  umaga sa Sitio  Ligtasan, Brgy. San Roque, Antipolo City.

Nabatid na kasalukuyang naniningil ang biktima sa kanyang mga kliyente ng lapitan ng mga suspek na pawang armado nang maiikling baril, nang nagdeklara ng holdap.

Isang bata naman ang nakapansin sa nagaganap at nagsisigaw dahilan para makatawag ng pansin sa mga pulis at barangay tanod na nagpapahinga sa kanilang himpilan na nagresulta sa pagkakahuli sa mga ito.

Kasong robbery hold-up at illegal possession of fire arms ang inihahandang kaso laban sa mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply