3 tulak ng shabu, laglag sa MPD operatives

AGAD umaksyon ang mga tauhan ng Manila Police District-Jose Abad Santos Police Station 7 para dakpin ang mga tulak ng shabu na naglipana sa Tondo iniulat ng pulisya.

Tatlo katao ang agad na naaresto makaraang mahulihan ng droga nang salakayin ng mga tauhan ni P/Supt. Ernesto Barlam ang sinasabing lugar sa Raxabago St., Tondo , sa pangunguna ni P/Insp. Jeffrey Dallo, hepe ng Station  Anti-Illegal Drug-Special Operation Unit (SAID-SOTU).

Kinilala ang mga nadakip na sina Arnel Gatus, 24; Rod Noble, 33 at Ryan Mark Suesa, 31, pawang ng Tondo.

Sa report ng MPD-Station 7, isang concerned citizen ang nagpadala ng sulat sa isang kolumnista ng tabloid na nagsasaad na “mga tulak sa Barangay 52 Zone 4 ay hindi umano inaaksyunan, kahit nasa harapan ng bahay ng kanilang chairman.

Dahil dito, agad nagsagawa ng test buy ang awtoridad sa Raxabago St. Tondo.

Nang magpositibo ay sinalakay ng mga pulis ang lugar, dahilan para madakip ang tatlo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply