3 TV stations ng gobyerno nagprotesta sa SONA ni PNoy

PAWANG nakaitim na t-shirt ang mga empleyado ng government television stations na dumalo sa ikalawang State of the Nations Address ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ngunit sa halip na magkober ng okasyon, sila ay nakiisa sa protesta ng iba’t ibang mga grupo na nag-ipon-ipon at nagtagpo-tagpo sa harapan ng Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.

Kabilang sa mga nagprotesta ang mga istasyon ng National Broadcasting Network (NBN 4), Radio Philippines Network (RPN 9) at Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC 13).

Ito ay dahil sa hindi umano pagbibigay ng mga naantalang sweldo, bonus at overtime pay ng mga empleyado gayundin ang pagbabalik ng ilan nilang mga benepisyo gaya ng rice allowance at educational assistance.

Sa SONA ni PNoy, umaasa ang mga empleyado at pamunuan ng tatlong TV stations ng gobyerno, na marinig ang kanilang mga sigaw at masolusyunan ang kanilang mga hinaing gayundin ang iba pang mga hiling ng mga raliyista.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply