300M inilaan sa edukasyon ng mga Muslim

INIHAYAG ng Department of Education (DepEd) na tututukan at bibigyan ng pansin ang pagbibigay ng maayos na edukasyon sa mga batang muslim sa Mindanao region.

Ayon kay Education Secretary Bro. Armin Luistro, naglaan ng P300 milyong pondo ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino II para sa Madrash education.

“One of the goals of madrasah education is to mainstream Muslim students into regular schools,” pahayag ni Secretary Luistro. “Their education should be such that they have an equal chance of being employed as their counterparts in sectarian and non-sectarian schools because they have been properly prepared,” ani Luistro.

Nabatid na binuo ni Luistro ang Office of Madrash Education na pamumunuan ni Undersecretary for Programs and Projects, Dr. Yolanda Quijano.

Napag-alaman din na pumirma sina Luistro at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Ansarrudin Alonto-Adiong para sa mas malawak na pagtataguyod sa Arabic Language and Islamic Values Education (ALIVE).

Binanggit pa ng kalihim na naglabas na sila ng P75 milyon para sa training ng mga asatidz o gurong Muslim na siyang isasabak simula sa susunod na school year. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply