31 patay kay ‘Juaning’, 27 missing

UMAKYAT na sa 31 ang nasasawi habang 27 pa ang nawawala bunsod ng pananalasa ng bagyong Juaning sa bansa.

Ayon s 6:00 am update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 23 sa Bicol ang nasawi, apat naman sa Southern Luzon, isa sa Siquijor at isa rin sa Las Piñas City, Metro Manila.

Ayon pa sa NDRRMC, hindi pa kasama rito ang napaulat na dalawang pulis na nalibing ng buhay sa Ifugao.

Naapektuhan ni Juaning ang 130,225 pamilya o 648,362 katao habang 714 katao naman ang stranded sa Bicol.

Samantala, idineklara na rin ang state of calamity sa Quirino province dahil sa matinding epekto ng paghagupit ng bagyong Juaning lalo na sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay Cauayan kay Gov. Junie Cua, nagdeklara ng state of calamity sa probinsya upang magamit ang calamity fund ng pamahalaang panlalawigan para matulungan ang mga naapektuhan ng bagyo lalo na ang mga magsasaka.

Nauna nang nagdeklara ng state of calamity ang lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte at maging ang Catanduanes.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply