31 US congressmen pumanig sa Pinas sa Spratlys

UMABOT ng 31 miyembro ng House of Representatives ng Estados Unidos ang nagpasa ng resolusyon para suportahan ang ating bansa at kondenahin ang mga nangbu-bully dito.

Pinangunahan ng mga chairman ng House committee of foreign affairs at subcommittee on Asia and the Pacific ang pagsusulong ng naturang resolusyon na nagsasaad na dapat magkaroon ng multilateral approach para maresolba sa mapayapang pamamaraan ang naturang isyu.

Ang simbolikong resolusyon ay inihain ni Rep. Ileana Ros-Lehtinen ng Florida at chairperson ng House con foreign affairs.

Co-authors naman sina Reps. Dan Manzullo at Eni Faleomavaega, ang chairman at high-ranking member ng sub-committee on Asia and the Pacific.

Nagpahayag ng kagalakan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, na nagsabing nakahanda ang Pilipinas lumaban sa sinumang maghihimasok sa ating bansa.

Nakasaad din sa naturang resolusyon ang kahandaan na Estados Unidos na tumulong sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng military hardware para ma-upgrade ang sandatahang lakas ng bansa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply