32 patay sa train crash sa China

UMABOT na ng 32 katao ang nasasawi sa China makaraang magbanggaan ang magkasunod na high-speed train sa isang tulay sa lungsod ng Wenzhou.

Nabatid na biglang tumigil ang naunang train sa nasabing tulay dahil sa nawalan ito ng kuryente matapos tamaan ng kidlat ang linya nito. Hindi naman napigilan ng kasunod na train na huminto at tuluyang sumalpok ito sa likurang bahagi ng nakatenggang train.

Isinugod sa ospital ang tinatayang 200 pang mga pasahero at sinasabing ang iba rito ay malubha ang kalagayan. Patuloy naman ang isinasagawang rescue effort ng Chinese government sa iba pang mga naipit na pasahero.

Ang high-speed railway ng China ay halos isang taon palang kung saan ginastusan ito ng bilyun-bilyong dolyar.

Ipinag-utos naman ng Railway Ministry na magkaroon ng emergency safety checks sa lahat ng train sa bansa para maiwasan ang ganitong pangyayari.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply