36 patay sa mudslides sa S. Korea

PUMALO na sa 36 ang bilang ng mga nasawi bunsod ng pananalasa ng malakas na ulan dala pa rin ng monsoon season na nagdulot ng pagbaha at mudslides sa South Korea.

Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi lalo’t marami pa umano ang bilang ng mga nawawala.

Nabatid na daan-daang mga pamilya sa South Korea ang nawalan ng tirahan habang libu-libong residente ang walang koryente.

Nagdulot din ng sobrang trapik sa iba’t ibang lugar sa nasabing bansa ang naturang masamang panahon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply