4 na container van na may luxury cars nasabat

APAT na 40-footer container van ang nasabat ng mga awtoridad sa loob ng Mindanao International Container Terminal (MICT) sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Ayon kay Atty. Ajur Castigador, acting district collector ng Bureau of Customs-Region 10, ang nasabing mga van ay naglalaman ng mga sasakyan na pinaniniwalaang galing sa Japan at Korea.

Nabatid pa kay Castigador na ang pagkumpiska ng mga naturang container van ay bunsod ng malawakang balasahan at reporma na ipinatupad sa loob ng MICT matapos matuklasan ang mga smuggling activity na kinasangkutan ng negosyanteng si Lynard Allan Bigcas.

Nakatakdang pumunta sa Cagayan de Oro si Customs Commissioner Angelito Alvarez ngayong linggo o sa susunod na linggo upang pangunahan ang pagbubukas sa naturang mga container van.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply