4 holdaper dedo sa PNP sa Calamba City

APAT na hinihinalang mga holdaper ang napatay matapos itong makipagbarilan sa mga pulis na nagsasagawa ng check point at blocking operations.

Batay sa report ng dzRH, katatapos pa lamang magholdap ng mga kawatan sa isang Jac liner sa Turbina, Calamba City sa lalawigan ng Laguna kaninang 2:00 ng medaling-araw, Hulyo 1.

Nabatid na nagpanggap itong mga pasahero at saka nagdeklara ng holdap. Tinangay ng mga ito ang mga pera, alahas, cellphone at iba pang mahahalagang gamit ng mga pasahero at saka tumakas gamit ang dalawang motorsiklo.

Natunugan umano ng stay-in na sekyu na si Emmanuel dela Cruz ang panghoholdap at agad itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad kung saan nagsagawa ng check point at blocking operation ang Philippine National Police sa mga posibleng daanan ng mga salarin.

Nasabat ng pulisya ang apat at lumaban ito ng putukan na ikinasawa ng mga nito. Narekober sa mga kawatan ang apat na kalibre ng baril kasama ang mga nakulimbat nitong mga gamit.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan sa pagkakilalanlan ng mga holdaper hanggang sa mga oras na ito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply