4 holdaper patay sa shootout sa Nueva Ecija

PATAY ang apat miyembro ng robbery/holdup gang sa naganap na shootout sa Sto. Domingo, Nueva Ecija, kaninang madaling-araw.

Kinilala ang mga napatay na sina Daryl Germino, Jeric Ace dela Cruz, Raymund dela Cruz at Mandy Villa,  pawang ng Barangay Maliolio, Sta Rosa, mga miyembro ng Petinez Group.

Ayon kay Nueva Ecija Police Director, Sr. Supt. Roberto Aliggayu, hinoldap ng apat ang Baliwag bus (CDS 472) sa Barangay Malasin.

Patungo ang bus sa Metro Manila mula sa bayan ng Aliaga nang magdeklara ng holdap ang apat at nilimas ang pera, cellphone at iba pang gamit ng mga pasahero.

Sa pursuit operations, naka-engkwentro ng mga tauhan ng Sto. Domingo Police ang apat na lulan ng dalawang motorsiklong walang plaka.

Matapos ang ilang minutong palitan ng putok, tumimbuwang ang apat at narekober ng mga awtoridad ang isang kalibre 45, dalawang kalibre 38 , isang granada at mga kagamitang tinangay sa mga pasahero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply