4 holdaper tepok sa parak sa Caloocan

APAT na hinihinalang holdaper ang nasawi makaraang makaengkuwentro ang mga pulis sa Caloocan City, madaling-araw ng Martes, Hulyo 5.

Ayon sa report ng dzBB, nagtangka pang tumakas ang apat na salarin bago magkapalitan ng putukan laban sa mga pulis kung saan agad na namatay ang dalawang salarin habang ang dalawa naman ay dead on arrival sa Diosdado Macapagal Hospital.

Nakilala naman ang isa sa mga salarin batay sa nakuhang ID card nito na si Michael Casiguran, ng Bagong Nayon, Caloocan.

Ayon pa sa ulat, naganap ang insidente bandang 1 a.m., nang sitahin ng isang pulis ang suspek na nakasakay ng taxi sa Boni Serrano Street. Pinaharurot ng suspek ang taxi na nagresulta ng habulan na humantong hanggang 12th Ave., Caloocan City.

Nabatid pa sa ulat na bumaba pa ang suspek at pinaputukan ang mga pulis kung saan gumanti naman ang mga ito ng putok.

Narekober sa mga suspek ang tatlong cal-.38 revolvers at 9-mm pistol.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply