4 na araw sa huling linggo ng Agosto, holiday

MAHABA-HABANG bakasyon ng mga estudyante at obrero ang inaasahan sa huling linggo ng Agosto.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, holiday sa August 29 (Lunes) dahil National Heroes’ Day habang holiday din sa August 30 (Martes), pista ng Ramadan ng mga kapatid na Muslim.

Dagdag pa ni Valte, magiging apat na araw ang bakasyon dahil Sabado at Linggo ang Agosto 27 at 28.

Sa araw ng State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, walang deklarasyon ng holiday mula sa Malacañang at bahala na umano ang mga apektadong paaralan at opisina sa Quezon City partikular sa Batasan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply