4 na holdaper todas sa shootout

PATAY ang apat na holdaper makaraang makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis  Sabado ng madaling araw, Hulyo 2, sa Taytay, Rizal.

Kinilala ni Taytay chief of Police P/.Supt. Arthur Masungsong ang isa sa mga suspek na si Danilo Arsillas,  residente ng Blk 3, Obadia st. Barangay Sta Ana ng nasabing bayan habang walang makuhang pagkakakilanlan sa tatlo pa.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-2:45 ng madaling araw sa Baytown, Coastal Road, Brgy. Muzon, Taytay, Rizal malapit sa boundary ng Angono.

Nabatid na sakay ng isang kulay puting FX na may plakang PBA-741 nang makasagupa ang mga ito ng mga pulis na nagsasagawa ng follow-up sa napaulat na robbery hold-up.

Nauna rito nagreport sa himpilan ng pulisya ang mag-inang sina Lourdes Soltura, 59, negosyante at Danzene, 20, kapwa residente ng Aquarius st. Monpert Subdivision, Barangay San Isidro ng nasabi ring bayan.

Ayon sa mga biktima hinoldap sila ng apat na lalake sakay ng isang FX sa Ortigas Ave. Extn. Brgy. San Isidro, Taytay.

Agad na nagsaggawa ng hot pursuit operation ang Taytay Police at inabutan ang mga suspek sa nasabing lugar.

Sa  halip na sumuko sa mga pulis ay nakipagbarilan ang mga suspek dahilan para gantihan ng putok ng mga pulis na nagresulta sa kanilang kamatayan. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply