4 na magnanakaw tepok sa parak

PATAY ang apat na hinihinalang magnanakaw makaraang makaengkuwentro ang mga pulis sa Rizal matapos ang kanilang operasyon madaling-araw ng Hulyo 2.

Ayon sa report ng dzBB, bandang 2:35 a.m. nang mangyari ang engkuwentro sa bayan ng Taytay.

Nabatid na isang oras ang nangyaring habulan na nagmula sa Ortigas –Extension sa bayan ng Isidro hanggang sa humantong sa Bay Town sa Brgy. Muzon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, sakay ang apat na salarin sa isang puting Tamaraw FX-type vehicle, makaraang nakawan si Lourdes Sultura sa Ortigas Extension.

Ayon pa sa report, nagpaputok ang mga magnanakaw upang hindi makahabol ang mga pulis ngunit gumanti naman ng putok ang mga ito na ikinasawi ng apat.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply