4 patay, 19 nasa ospital dahil sa ‘misteryosong’ sakit

NAMATAY ang apat katao at 19 ang nilalapatan ng lunas sa ospital dahil sa isang “misteryosong” sakit na uamatake sa Zamboanga Del Norte.

Maging ang local officials ng Brgy. Mantebo sa bayan ng Sibuco ay naalarma matapos isugod sa Zamboanga City Medical Center ang mga biktima na nasa edad 19 hanggang 49 anyos.

Ayon kay Dr. Maribel Felisario, Public Information Officer ng nasabing ospital, ang mga pasyente ay nagrereklamo nang paninigas ng muscles, pagsusuka at maging kawalan ng gana sa pagkain.

Hinihintay pa nila mula sa Maynila ang resulta ng laboratory test sa mga biktima para mabatid kung ano talaga ang dahilan ng pagkakasakit ng mga ito.

Sinabi naman ni Sibuco Mayor Norbie “Bong” Edding na iniimbestigahan pa nila kung ang pagkamatay ng apat na residente sa naturang barangay ay may kinalaman sa umano’y “misteryosong” sakit. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply