4 sugatan nang mahulog ang pampasaherong bus sa Skyway

SUGATAN ang apat katao kabilang na ang driver ng isang pampasaherong bus na aksidenteng nahulog Martes ng umaga sa Skyway sa kahabaan ng South Luzon Expressway, sa ulat ng pulisya.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz, nangyari ang insidente bandang 11:10 ng umaga ng mahulog ang Dimple Star Transit na may body No. 7511 sa tapat ng Schinki Company na nasa West Service Road, South Super Highway, Marcelo Green, Parañaque.

Sa ulat ni Skyway operations head Ed Nepomuceno, patungo ng Parañaque ang bus ng mawalan umano ng kontrol ang drayber nito kung kaya’t nangyari ang aksidente.

Kaagad namang namang naisugod sa Parañaque Medical Center ang mga biktima, ayon sa PNP Highway Patrol Groups.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply