$400 minimum wage ng OFWs sa Saudi pinanindigan

NANINDIGAN ang Philippine Embassy sa Riyadh, Saudi Arabia na panatilihin ang posisyon ng bansa na $400 (P17,200) ang minimum salary ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa nasabing bansa.

Ito ay kahit may banta ang naturang bansa na magpapatupad sila ng “Saudization Policy” o sa halip ng mga Pinoy ay mga Saudi nationals na ang bibigyang prayoridad ng gobyerno ng Saudi na ma¬bigyan ng trabaho habang ang mga OFWs o iba pang foreign workers na nanatili at nagtrabaho sa Saudi ng anim na taon ay hindi na mabibigyan ng working visa.

Nabatid na ipinatupad ng Saudi Labor Ministry ang nasabing polisiya noong Sabado, Hulyo 2, at inabisuhan na rin nito ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa kanilang bagong labor policy.

Pero nilinaw ng Philippine Embassy na ang $400 dollar minimum wage ay nakasaad sa “terms and conditions” ng Household Service Workers (HSWS) Reform Package na siyang sinusunod ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) noong 2007.

Binanggit din ng embahada na tanging sa mga media reports lamang nila narinig ang isyu hinggil sa plano ng Saudi Arabia na ititigil na nito ang pagbibigay ng work permits para sa mga Filipino domestic workers. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply