41 na ang patay sa bagyong ‘Juaning’– NDRRMC

UMABOT na ngayon sa 41 ang latest death toll ng bagyong “Juaning,” ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Biyernes ng hapon.

Patuloy pa ring pinaghahanap ang may 24 mangingiasda na nawawala sa karagatang sakop ng Roxas province.

Nabatid na 28 sa mga namatay ay naitala sa Region 5 o Bicol region, labing-isa rito ay mula sa Albay, anim sa Catanduanes, dalawa sa Camarines Sur, pito sa Camarines Norte at dalawa sa Masbate.

Tuloy din ang search and rescue operations ng mga awtoridad sa 24 pang naiulat na nawawala na pawang tripulante ng lumubog na fishing boat matapos na ma-resue ang 13 nilang kasamahan.

Nabatid pa na pito sa 13 mga survivor na crew na F/B Hope Cristi ang dinala sa ospital makaraang makabalik na sa lungsod ng Roxas Huwebes ng gabi sa kay ng barko ng bantay-dagat-Roxas.

Ilan sa mga ito ang hinimatay habang ang iba ay mahina na nang dumating sa Libas Fishing Port dahil sa natamong mga sugat at sobrang lamig.

Kabilang sa mga isinakay sa ambulansiya at dinala sa ospital ay sina Rex Bocala, Vicente de la Cruz, Andy Layon, Joseph Culipapa, John Flora, Juvy Balite at Andrew Bellosillo.

Samantala, nakauwi na sa kanilang mga bahay matapos mabigyan ng pangunahing lunas ang anim na tripulante ng nasabing fishing boat na sina Rodel Acebuque, Jurex Artagame, Dante Daños, Noel Romano, Micheal Apruebo at John Flora.

Napag-alaman na 24 na crew ng F/B Hope Cristi ang nawawala hanggang ngayon kabilang dito ang kapitan na si Nestor dela Cruz matapos tumaob ang sasakyang pandagat sa kasagsagan ng bagyong Juaning.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply