442 kaso ng rabies naitala sa Tanauan, Batangas

NAKAPAGTALA ng 442 kaso ng rabies ang Tanauan Health Office na iniulat na dahil sa pagkamatay ng isang residente sa Batangas City.

Batay sa ulat ni Dr. Adel Bautista ng City Health Office (CHO), nananatiling mataas ang bilang ng kaso ng rabies sa lungsod kung saan isa sa 442 na tinamaan ng rabies ay nasawi.

Naitala ang pinakamaraming kaso sa Barangay Darasa.

Dahil dito, puspusan ang pangangampanya ng nabanggit na tanggapan upang maiparating sa publiko ang wastong impormasyon hinggil sa nasabing sakit na nakukuha mula sa kagat ng aso.

Nakikipag-ugnayan din sila sa mga barangay officials upang ipaalam sa kanilang mga nasasakupan ang mga dapat na gawin sakaling makagat ng aso.

Nagbibigay rin ng libreng bakuna laban sa rabies ang naturang tanggapan at pinapayuhan din ang mga mamamayan na maging alerto at maingat sa mga asong nagkalat sa lansangan.

Maliban sa mga nabanggit, ipinahuhuli na rin nila ang mga asong gala at dinadala sa impounding area na maaaring tubusin ito ng kanilang mga amo.

Sa kasalukuyan, mahigit sa 50 asong gala na ang nahuhuli at nakakulong sa impounding area.

Hinikayat din ng CHO ang lahat ng opisyal ng barangay na magpasa ng ordinansa upang lalo pang mapaigting ang  batas bukod pa sa panawagan sa mga nag-aalaga ng aso na maging responsableng amo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply