5-anyos nawawala sa CdO flashfloods

ISANG 5-anyos ang nawawala makaraang ragasain ng flash floods ang Cagayan de Oro City noong Sabado, Hulyo 16.

Base sa website ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakilala ang biktima na si Angel Inso, 5.

“She was accidentally swept by heavy current while passing through a wooden bridge with her mother,” ayon pa sa pahayag ng NDRRMC.

Ayon pa sa NDRRMC, ang naturang flash flood ay bunga ng walang tigil na pag-ulan noong Sabado kung saan naapektuhan ang Sitio Bantiles Brgy. Bugo, Cagayan de Oro City.

Nabatid na nagsanib puwersa na ang grupo ng Civil Defense Region 10 at Coast Guard Northern Mindanao sa paghahanap sa bata.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply