5 kongresista pupunta sa Spratlys

LIMANG kongresista ang nakatakdang bumisita bukas sa pinag-aagawang Spratly Islands upang suportahan ang pag-angkin ng gobyerno ng Pilipinas sa mga isla.

Kabilang sa delegasyon ng tinatawag na “Peace and Sovereignty Mission” ay sina Akbayan Reps. Walden Bello at Arlene Bag-ao, DIWA Rep. Emmeline Aglipay, Eastern Samar Rep. Ben Evardone at Ifugao Rep.Teodoro Baguilat Jr.

Ipinaliwanag ni Bello na ang pagbisita sa Spratlys ay naglalayong pagtibayin ng Pilipinas na ang Spratlys na napapaloob sa 200-mile economic zone, at naaayon sa mga alituntunin ng United Nations Convention on the Law of the Sea ay pag-aari nito.

Idinagdag pa ni Bello na walang iisang bansa ang nagmamay-ari ng West Philippine Sea.

Aniya, mangangalap sila ng impormasyon upang makapagsagawa ng mga batas na makakapagtibay ng depensa ng Pilipinas at sa pagpapalawak ng mga gawaing pang-ekonomiya ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply