5 patay dahil sa sakit na dala ng baha

LIMANG katao ang nasawi sanhi ng sakit na dala ng tubig baha na nanalasa sa lalawigan ng Cotabato sa ulat ng Office of Civil Defense nitong Sabado, Hulyo 9.

Ayon sa report na nakarating sa Camp Aguinaldo, isang lalaki ang namatay ng dahil sa pneumonia habang apat naman ang namatay ng dahil sa diarrhea dala ng kakulangan ng malinis na tubig inumin.

Nabatid na hanggnag sa kasalukuyan may apat pa ring barangay sa lalawigan ang nanatiling nakalubog sa tubig baha.

Dahilan ito upang manatili pa sa mga evacuation centers may 4,428 pamilya.

Samantala sa report na ibinahagi sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na hindi kasalatan sa gamot ang dahilan ng pagkakasakit ng mga tao kung hindi dahil sasobrang siksikan sa mga facility ang mga ito.

“Mahalaga na ma-sanitize sila bago makabalik sa mga bahay nila para maiwasan ang epidemia. We are closely monitoring the diseases they are experiencing now,” ani Dr. Marlowe Ninal, city health administrator.

Nabatid na anim na major diseases na nakaka-apekto sa mga pamilya sa evacuation centers ang naitalang mga doktor mula sa mga health office.

Samantala, inihayag naman ng NDRRMC sa pamamagitan ng kanilang report mula sa Department of Health (DOH) umaabot na sa 52 katao ang nakakaranas ng iba’t-ibang sakit sa balat, 20 bata na may edad na limang taon pababa ang may mga tinamong sugat, limang bata ang nagtatae, 415 katao na may edad na limang taon pataas ang apektado ng diarrhea at  638 katao ang may ubo at trankaso.

Pasmanatalang nagsagawa ng fumigation at disinfectant procedure ang mga awtoridad para maiwasan ang pagkalat ng mga sakit at hindi ito tuluyang mnauwi sa epidemiya.

“Na-prevent na ‘yung epidemia. We have disinfectants and we still need to sanitize,” ani City administrator Atty. Cynthia Sayadi. Verlin Ruiz

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply