Pagtungo ng 5 solon sa Spratlys ikinairita ni SB

NAGPAHAYAG ng pagkairita si Speaker Feliciano “SB” Belmonte sa pagtungo bukas ng limang kongresista sa Spratly Islands dahil wala itong opisyal na pahintulot mula sa Kamara de Representantes.

Binigyang-linaw ngayon ni Belmonte na ang pagtungo sa Spratlys ng mga mambabatas ay personal lamang.

“I only knew it from the papers. They can go there on their own capacity and we don’t authorize it in official capacity. But I will not forbid them to go there if they want to go there,”ayon kay Belmonte.

Pinayuhan pa ng Speaker ang limang kongresista na ipaubaya na lamang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang isyu dahil higit itong nakaaalam ng sitwasyon doon.

“Personally, I prefer that we let the DFA and appropriate agencies of the government do the things as long as we support the fundamental principles which we do on it,” aniya.

Ayon kay Belmonte, hindi rin dapat gumamit ng pribadong pondo ang mga kongresista sa kanilang paglalakbay.

Ito ay matapos aminin ni Akbayan Rep. Walden Bello na ang kanilang gagastusin sa pagtungo sa Spratlys ay mula sa pondo ng isang Chinese businessman.

Si Bello ay isa sa limang kongresista na maglalakbay bukas sa Spratlys na tinawag nilang “Peace and Sovereignty Mission” kabilang sina Rep. Arlene Bag-ao, DIWA Rep. Emmeline Aglipay, Eastern Samar Rep. Ben Evardone at Ifugao Rep.Teodoro Baguilat Jr.

“We have not in any way authorized it, they do not represent Congress, they do not represent any committee of Congress, and they would go there for sight-seeing,” ayon pa rin kay Belmonte.

Layunin umano ng pagbisita sa Spratly Islands ay bigyang-tibay na nasasakop ng Pilipinas ang Spratlys na napapaloob sa 200-mile economic zone, at naaayon sa mga alituntunin ng United Nations Convention on the Law of the Sea.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply