50 pamilya naabo ang bahay sa Naga

MAHIGIT sa 50 pamilya ang naabo ang tahanan makaraang masunog ang squatter’s area sa lungsod ng Naga bago maghatinggabi kagabi, Hulyo 15.

Nabatid na umabot sa Task Force Delta ang sunog sa squatterna tumagal ng halos isang oras na naapula lamang bandang 11:20 nang kagabi sa Kalye Putay, Barangay Igualdad.

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente ngunit may espekulasyon na umano’y may nag-spark at pinagmulan ng sunog.

Nabatid na mabilis na kumalat ang apoy dahil sa mga gawa sa mga light materials ang mga bahay.

Sa ngayon, nagsisilbing evacuation center ang Sabang High School para sa mga apektadong residente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply